Agiw at putik na
may nabuong mga letrang “P-U-T-A-N-G-I-N-A-M-O” ang iyong nakita ng halughugin mo ang
bahay ng iyong memorya.
Sinubukan mong
halukayin ang iyong memorya tungkol sa mga natutunan mo nung kinder, pero crayola at wooden blocks ang natagpuan mo.
Binaliktad ang
mga lamesa’t study table kung saan ka nag aaral tuwing periodical test nung
hayskul pero lapis at pantasa ang nakita mo.
Pinasok ang
kwarto ng memorya ng iyong pagbibinata ngunit babaeng naka two-piece, TV na may ang palabas ay hoy gising!, amoy ng
sigarilyo at isang bote ng alak ang iyong nahagilap.
Tinangka mong
sunugin ang ilang pahina ng mga librong nakita mo sa baul ng iyong pagbibinata sa palagay na dito nakatago ang nawawala mong memorya ngunit listahan ng alpabetong nasa isang bond paper na nakabaligtad ang iyong
nahagilap.
Umakyat ka sa
tuktok ng bundok ng iyong naaalalang mga panaginip para magisip, para magisip,
magisip kung nasaan na ang nawawala mong memorya ng pagkahumaling sa isang
bagay na hindi mo maalala kung paano tatawagin pero ulap na kasing itim ng sabaw ng pusit ang iyong nakita.
Nararamdaman mo
ito, ngunit nawawala ang memorya mo kung paano ito tatawagin. Parang isang
picture frame na tinanggal sa isang dingding pagkatapos ng matagal na panahon.
Nagiwan ng bakas, ngunit hindi kumpleto ang impormasyon kung sino o ano ang
nakasabit.
Dumilim bahagya
ang kalangitan habang ika’y nasa tuktok ng bundok ng iyong mga naalalang panaginip,
“Walang ulan! Walang ulan! Ang sentensyador ay kinakabahan!”, sabi ng utak mo.
Putangina! Nasaan na? Ang pakiramdam mo'y may pagkakahawig sa iyong nararamdaman kapag hinahanap mo ang paborito mong laruan nuong ika'y bata pa, magkahalong naglalangitngit na gigil at di mapapantayang asar.
Basta ang tanda mo
lang, inilagay mo ito sa isang sulok ng iyong kukote, sa isang lugar na
pamilyar at lagi mong maaalala, tulad kung saan mo inilalagay ang iyong mga
gamit pagkatapos ng trabaho, isang lugar na kabisado mo ang daan at alam mo
kung paano puntahan.
Sinubukan mong
sumuot sa kweba ng pinakamadidilim mong alaala ng mga nasira mong relasyon,
pero uod, ipis at dagang kasing laki ng pusa ang iyong natagpuan.
Naisip mong matulog
nalang sa kwebang iyong kinatatayuan.
Ika’y napa-idlip
at pag gising mo ay nasa tarangkahan ka na ng kweba ng mga pinaka-madidilim
mong alaala ng mga nasira mong relasyon.
Umupo ka, inisip ulit
kung paano mahahanap ang nawawalang memorya.
Nagdasal at
pagkatapos ay nag salsal, nakaisip ng paraan pero magkakahalong takot, kaba at
pagka-sabik ang iyong nadama.
“Tumalon sa balon
ng mga ideya upang mahanap ang memorya ng pagkkahumaling sa bagay na hindi alam
kung paano tatawagin!” sabi ng iyong kukote.
Ang problema lang
sa pagtalon ay di ako nakakasigurong nandun ang memoryang aking hinahanap, at
kung wala ang aking memorya dun ay hindi rin ako nakakasigurong mamamatay ako
sa aking pag-talon, ok n asana kung pagtalon ko ay mababasag ang ulo at
idididlig ang utak sa mga bagay na mayroon sa balong iyon, eh hindi eh.
Maaring
pag-bagsak ay buhay pa ako, paralisado, nakakaramdam pero hindi nakakagalaw, mananatili
sa ilalaim ng balon ng ilang daang taon, walang kasama, walang kasusap, at
walang emosyon.
Walang
kasiguraduhan.
Nagpaalam sa
kanyang ina, ama, kapatid, kinakapatid, lola, bunso, kaibigan at kung sino
sinong ka-huntahan. Babay. Babay. Babay.
Masarap sanang manatili
sa loob ng utak ngunit ako’y hindi makuntento, laging may hinahanap na bago,
kaya’t sa pasya kong ito, sana mahanap ko ang nawawala kong kwento.
ANG KWENTO NG
MEMORYA NG PAGKAHUMALING SA BAGAY NA HINDI ALAM KUNG PAANO TATAWAGIN.
Tumingkayad at
sinilip ang balon, madilim at tahimik, dumaan ang imahe ni Audrey Hepburn sa kanyang isip, sa kanyang ilong naman ay bumisita ang amoy ng basang librong nahaluan ng pestesidyo,
sabay talon.
Paalam malikot kong mundo.
Paalam malikot kong mundo.
No comments:
Post a Comment