Friday, June 27, 2014


HALU-HALONG SARAP


transport stike, rosario bridge, 2014

Ito ang halu-halong sarap na dinaranas ng mga pilipino araw-araw.

Halu-halong usok mula sa mga tambutso ng trak, jeep, taxi at private vehicles.

Nagtaas ang pasahe sa jeep, siyempre dahil nagtaas ang presyo ng langis. 

Sabi ng Bayan Muna dati, kinompute nila ang buong halaga ng langis sa Pilipiinas at napag alamang may sobrang bente pesos ang singil nito, sinabi nila ito sa kongreso, pero walang nangyare. 

Kung 45 pesos ang presyo ng langis ngayon at ibabawas ang bente pesos, magiging 23 pesos nalang ang presyo kada litro, malaking ginhawa sana iyon para sa mga mamamayan, lalo na sa mga commuters, siyempre sususnod na din magbabaan ang presyo ng kung anu-anong bilihin dahil karamihan naman ng goods ay nakatali din sa presyo ng langis. 

Hindi na rin magkukumahog ang ilang transport groups para makakuha ng dagdag singil sa presyo ng pamasahe, dahil sa totoo lang, isa itong halimbawa kung paano tayo pinaiikot at pinaglalaban-laban ng mga naghaharing uri, dahil sa pagtaas ng pasahe, kapwa manggagawa o nakabababang uri ang maapektuhan nito. 

Eh yung sa Bayan Muna, sa mga naghaharing uri nakatutok, gusto nilang bawasan ang presyo ng langis na siyang ugat ng problema, di tulad ng ibang transport groups, dagdagan ang singil sa pamasahe. Kung sanglibo na ang presyo ng langis kada litro, di mga 150 na ang pamasahe mula Rosario hanggang sa Medical City. Isipin mo yun, sa jeep, o wampipti wampipti lang, paki ayos lang po ang upo, upong wampipti lang.

Sabi naman ng iba, wala daw tayong kontrol sa pagtaas ng presyo ng langis dahil nakabatay ito sa pandaigdigang merkado, ito daw ang nagtatakda kung tataas o bababa ito. Weh? Siguro nga, pero ang tanong, saan ba tayo kumukuha ng langis, sino ba ang nagsusupply sa atin nito? Kung iba, bakit hindi tayo magdevelop ng sa atin? Dahil kinuha na nila yung sa atin at wala na tayong pang-ekonomiyang kakayanan para magdevelop ng sariling atin? Siguro nga.

Yung mga nagrarally, nananawagan silang isabansa ang mga pangunahing industriya ng ating bansa, o yung tinatawag na nationalization of vital industries kung saan ang estado ang hahawak ang magpapaunlad ng mga industriyang may kinalaman sa pambansang interes, siyempre isa na dito ang langis, na nawala sa kontrol ng estado nang ipatupad ni Marcos ang oil deregulation law, na hanggang ngayon ay sigaw pa din ng mga nakakuyom ang palad sa Mendiola, sabi nila, “Oil Deregulation Law, Ibasura!”, pero wag natin silang pakinggan dahil nag-iingay lang sila at wala naman talagang katuturan ang mga pinagsasasabi ng mga iyon.

Sa mga halu-halong proposisyon at suhestiyon mula sa iba’t ibang social strata, ano nga ba ang dapat nating gawin?


Tama lang sigurong ibenta nalang natin lahat, tutal yun naman ang plano ng gobyerno natin, sa programang PPP (Public-Private Partnership) ni Aquino, baka sa mga susunod na taon eh pati brip at panty natin eh privitazed na, kung gayon, di na kailangan ng gobyerno, free for all privatization na, civil disobedience na mag aanak ng civil war. Ayos. 

Sa ating modernong panahon kung saan naimbento na ang mga salitang career, bonds, investment at kung anu-anong salitang mahigpit na nakatali sa salapi at konsumerismo, mahirap sumuway sa mga utos ng nagpapalamon sa iyo. Kaya wag ka nalang maingay, maghintay sa manunubos at ipagdasal ang mga gumagawa ng masama.   

No comments:

Post a Comment