"Kung ayaw mong alipinin, huwag kang kumilos na parang alipin"
-Caiingat Kayo, 1893
Taun-taon nalang ginugunita ang kaarawan ni atapang atao Andres Bonifacio, pero hanggang ngayon di pa rin naiintindihan ng kalakhan ng mga Pilipino ang tunay na diwa ng rebolusyong pinangunahan niya.
Ang rebolusyong 1896 o ang rebolusyon ng KKK (Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan) ang kauna-unahang kilusang naglayon ng pambansang demokrasya at pagkatapos ay magtatag ng isang malayang gobyernong pamumunuan ng mga kapwa Indio. Sila rin ang kauna-unahang organisasyong pambansang tumangan ng armas para palayain ang Pilipinas mula sa mga Espanyol.
Ang kaibahan ng KKK sa mga kilusang itinayo ng ibang mga nag-rebelde laban sa mga Espanyol tulad nila Diego Silang, Hermano Pule, Huseng Sisiw atbp. ay ang kanilang mga layunin, ang mga kilusang nabanggit ay naglayon lamang na labanan ang mga Espanyol, walang depinidong tunguhin pero mabigat ang pinaghugutan ng kanilang pag-aalsa, tulad ni Diego Silang, ang pinuno ng pinakamatagal na himagsikang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas. Naghimagsik si Diego Silang sa kadahilanang ayaw ipina-libing sa Kristyanong paraan ang kanyang kapatid na nagpakamatay ng mga prayle, pero 'di tulad ni Bonifacio na nakita ang pagsasamantala ng mga Kastila sa mas malawak na aspeto, na ang lahat ng mga Indio sa lahat ng sulok ng Pilipinas ay napagsasamantalahan kaya't dapat magrebolusyon.

May ilang pagkakapareha din ngunit malaki ang pagkakaiba ng Kilusang Repormista nila Rizal, Del Pilar at Jaena sa KKK. Ang kilusang Propaganda ay naglayong magpasok ng mga esensyal na reporma tulad ng pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortes at ang pagkakaroon ng sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, ibig sabihin, payagang maging ganap na pari ang mga Pilipino. Pag-susulat at paglalathala ng mga sulatin ang pangunahing pamamaraan ng mga Propagandista.
Ang KKK ang nagbuo ng isang pambansang himagsikan na pumukaw sa mga rebeldeng naglunsad na ng kanilang malilitt na insureksyon sa iba't ibang dako ng bansa.
Mahalagang gunitain ang araw ng rebolusyonartong si Bonifacio, mahalagang maintindihan kung bakit mayroong nagpapatuloy ng kultura ng militansya, sa lansangan man o sa kabundukan.
Lumalakas ang kilusang rebolusyonaryo dahil lumalala ang pagsasamantala, dumarami ang nagiging militante dahil puro kagaguhan ang itinututo sa ating mga paaralan mga institusyon.
Ang rebolusyon ni Bonifacio ay hindi nagtagumpay dahil inagaw ito ng mga Amerikano nangg ipagbili tayo ng mga Kastila sa mga ito.
Ang rebolusyong sinimulan ay Bonifacio ay nagpapatuloy at nagsisilbing inspirasyon sa mga modernong katipunero.
No comments:
Post a Comment