Thursday, November 22, 2012

We are all wankers


Amelie, 2001


Books are like women. 

They both have introductions, body and endings. 

You can put them down once you get bored or tired of it, pick up another one and enjoy a different story then get back to the one you didn't finish, that is if you can still find it, you know, sometimes you misplace things. 

All of them has their own distinct endings, some tragic, some blissful, some mundane, some just ends without you noticing it, no periods, no exclamation points, no commas, no nothing. 

Their story need not to be neither mysterious nor conventional, they just need to have a story. 

They need not to be neither complex nor dense, again they just need to have a story.

You get fascinated for a time and then be bored as hell.

The more interesting their story gets, the more you get involved.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------


9 comments:

  1. Ilang katanungan.

    Una'y ito.
    Tama ba ako na ang sumulat ng entry na ito ay isang tao na nagmula sa isang organisadong kilusang mapagpalaya? Kung gayon man, bakit ganito yung laman ng entry? Books are like women? They don't need to be interesting, they just have to have a story? Tapos pag may kwento, ano, pwede ng pag diskitahan, gamitin, paglaruan, at kapag "you get bored as hell" ay pwede ng bitawan, at balikan nalang kapag muling naibigan?
    Well, kung di ka man kabilang sa org na nabanggit kanina sa itaas, isa ka pa ring taong nilamon, at nilalamon ng patriarch ideology, na maiu-ugat pa rin naman sa imperyalismong kalaban mo rin, batay sa ilan pang blog entries mo. Oo, binasa ko rin yung ilan pa.

    Pangalawa.
    Maaari mong sabihing satirikal ang atake, at ibinoboses mo lang ang kasalukuyang sistema. Gusto mong palitawin ang kabulukan nito gamit ang pagbibigay dito ng emphasis. Pero malabo ang ganitong pag-atake at pagpapakita ng kabulukan ng ganitong pyudal-patriyarkal na sistema sa isang atrasadong bansa na ni hindi nga maiiintindihan ang isang satirikal na porma ng pag atake sa kasalukuyang sistema. Maigi pa sanang diretso mo nalang na binira ang patriarchy bilang isang ideolohiyang patuloy na nambubusabos sa mga kababaihan ng ating lipunan. Batay sa mga blog entries mo ay aktibista ka. Ano na ang nangyari sa Emancipation of Women ni Lenin?

    Huli'y ito.
    Maari mong sabihin na hiwalay ka sa tekstong ito, bilang isang depensa. Ika nga ni Roland Barthes, patay na ang awtor. Sige. Kung gayon ay yung teksto nalang ang bibirahin ko. Malabo ang pagkukumpara sa babae sa libro. Mali ang premise. May consciousness at emotions ang nauna, ang huli'y wala. Maging ang mga libro'y iniluwal lamang din ng mga babaeng awtor. Parang libro ang babae, kasi parehas na may kwento? Minsang interesante at mas madalas na boring? Gender roles ito. At pinuna na ito maging ni Jean Paul Sartre. Sabi nga niya, walang inherent na role at purpose ang salitang gender. Arbitrary ang pagbibigay ng meaning dito, at lipunang mapagsamantala ang gumawa nun. So paano na?

    May kilalang rebolusyonaryong nagsabi, nalimot ko lang kung sino, na ang paglaya ng kababaihan ay kaugnay at mahigpit na salik sa paglaya ng lipunan.

    Anong nangyare tol?

    ReplyDelete
  2. Isang kasagutan,

    Kung gagawa ka man ng isang kritisismo o kumento sa isang likha ng sining partikular sa malikhaing pagsulat, Mas mainam kung

    1. Hindi mo dapat sinali ang ibang elemento/attributes katulad ng pagkakasali ng awtor sa isang organisasyon (totoo man o hindi) dahil ipinapahiwatig mo ang mismong "organisasyon" laban sa pagkakaugnay nito sa awtor. Ginawa mong isali ang mga nagrarally nating aktibista dahil lang sa isang manunulat sa internet gamit ang kanyang blog?

    2.Subjektib ang marami sa pagkakalikha nito. Nakabatay ito sayong pagkakauna sa mga bagay bagay na pwedeng maging metaporikal na ehemplo para maipahayag kung ano man ang gusto nitong sabihin. Ang pagbibigay ng anumang sariling interpretasyon tungkol sa likha ay isang halimbawa ng pag-kakaiba ng kung ano ang iyong naiintindihan laban sa likha.



    3. Hindi nararapat diktahin kung ano ang kumposisyon ng isang artikulo. Mapa satirikal man yan o hinde, Mas mainam na magtanong nalang sa awtor kung ano ang pinupunto nito o ano ang ibig niyang iparating sa mambabasa at bakit ang babae ay hinalintulad sa libro. Ikaw narin ang mismong nagsabi "Pero malabo ang ganitong pag-atake at pagpapakita ng kabulukan ng ganitong pyudal-patriyarkal na sistema sa isang atrasadong bansa na ni hindi nga maiiintindihan ang isang satirikal na porma ng pag atake sa kasalukuyang sistema" kung satirikal man iyon o hinde, bakit mo bibigyan ng hustisya ang pag-susulat nito ng ganoong klase na pamamaraan?

    4. Eh ano naman kung "aktibista" siya? May problema ka ba sa kanyang pagiging aktibista? O ang kanyang pagiging aktibista ay may problema sayo (wag seryosohin)? Ang pagdadagdag ng isang kaalaman laban sa kanyang partikular na likha tungkol sa babae ay hindi sapat para mapatunayan na tama ang isang argumento o critisismo.

    Maganda naman ang pagkakadepensa/hangarin mo sa mga kababaihan natin na hangang ngayon ay inaabuso parin ng kasalukuyan na sistema. Nawa'y sa tunay na pakikibaka ay nararapat na kasali ang mga kababaihan hindi lamang sa pag laya ng bulok na sistema ng pagpapatakbo ng gobyerno at pati narin sa mala pyudal, kolonyal, patriyarkal, at kapitalistang uri ng pamamaraan na hangang ngayon ay patuloy pa rin sa pagpapahrirap kay Maria at Juan.


    Marahil. Ito na nga siguro ang ugat ng pagiging peti-burges na klasisismo ng nakakarami sa atin. Nakapagaral lang ng Philo-1 sa isang kolehiyo o unibersidad at nakapagbasa lang ng mga libro ay sa tingin nila superyor na sila sa mga mababang uri na sa unang lugar pa nga lang ay galing din sila doon o kung hindi naman ay nanggaling sa nakakataas na uri na hanggang ngayon ay ang tanging layunin ay mangibangbansa.

    Am i right? Kiddo. :D

    ReplyDelete
  3. Ilang mga bagay.

    Huwag na dapat maging pretensyoso. Yung may-ari ng blogsite na ito, ay isang aktibista (dati, ewan ko lang ngayon.) Ngayon, ang punto ay ito: dapat tandaan na ang lahat ng likhang sining ay manipestasyon ng kung ano yung ideolohikal na pagtindig ng gumawa nito. Suhestyon ko na balik-aralan mo yung mga artikulo ni Marx hinggil sa Base Structure at Super Structure ng lipunan para maintindihan kung paano nailuluwal, at saan nakasandig ang mga likhang sining.

    Dito ngayon lumilitaw yung problema. Dahil na-establish na natin na tibak yung sumulat, bumalik tayo ngayon sa tanong ko sa unahan, bakit ganito yung sinulat nya? Ang lumalabas kasi, naging commodity, at niri-reinforce ng sulatin na ito yung komodipikasyon ng kababaihan. Nakakatawa kasi yung tanong mo,

    "E ano kung aktibista sya?May problema ka ba sa kanyang pagiging aktibista?"

    Oo. May problema. Binanggit ko na, at babanggitin ko ulit, baka sakaling hindi mo naintindihan Kiddo. Mariing nilalabanan ng kilusan ang komodipikasyon ng kababaihan. Bakit? Kasi, yung pyudal-patriyarkal na pagtingin sa kababaihan, ay isang napakalaki at napakatingkad na porma ng eksploytasyon. Balikan natin ang aral ni Lenin, "There cannot be, nor is there nor will there ever be real “freedom” as long as there is no freedom for women from the privileges which the law grants to men, as long as there is no freedom for the workers from the yoke of capital, and no freedom for the toiling peasants from the yoke of the capitalists, landlords and merchants."

    So, either aktibista yung awtor na tumalikod sa prinsipyo, o aktibistang kunwari lang. Alin sa dalawa? (parehas kasi mahirap sikmurain)

    Sa kabilang banda, gusto ko muling ilinaw, na hindi ko diniktahan ang awtor. Sa isang punto ko, binigyan ko sya ng benefit of the doubt. Baka naman satirikal lang ang atake nya. Baka naman hindi ganoon ang intensyon. Pero muli, sayang ang oportunidad at pagkakataon. Kung tunay nga, at gustong birahin ang pagka-patriyarkal ng lipunang Pilipino gamit ang kanyang isinulat, sana'y idiniretso na lamang. Sa aking tantsa ay mas epektibo ang ganung pamamaraan.

    Noong binitiwan at inilabas ng manunulat ang artikulo na ito, dapat ay naging handa rin sya sa kritisismo. Let me reiterate. Pwede syang magtago sa palda ni Roland Barthes at iproklama na patay na ang awtor kaya wala syang liability sa isinulat nya. Pero pwede ko rin itaas ang palda ni Roland Barthes, para hulihin sya at sabihin sa mukha nya na dahil patay na ang awtor, malaya tayong bigyang pakahulugan ang mga nababasa natin. Tama ba Kiddo?

    Bilang panghuli, dapat yata ay ginamit mo yung litanya mo pagiging petiburges,at ng pagkatuto ng Philo-1 sa awtor, at hindi sakin.

    Wala akong proclamation ng superiority. Baka yung awtor. Kaya nga nya naikumpara yung kababaihan sa mga libro e. Di ba at yung ang superiority? Macho shit? Di ko kasi maintindihan yung mga litanya at lecture mo ng "sa tingin nila superyor na sila sa mga mababang uri na sa unang lugar pa nga lang ay galing din sila doon o kung hindi naman ay nanggaling sa nakakataas na uri na hanggang ngayon ay ang tanging layunin ay mangibangbansa."

    Saan galing yun Kiddo? :D

    ReplyDelete
  4. Tugon,
    Dahil nabigla ako sa iyong mga salita nakahati ito sa dalawang parte.

    Masyado mo atang binigyang kahulugan ang pag talinhaga ng awtor sa mga kababaihan dahil sa pagkumpara nito sa libro. AGREE! Naman tayo na ang: paglaya sa lipunan ay nagsisimula sa paglaya ng kababaihan <- kredito sa may akda. Bakit ba kase ang taas ng dugo mo sa pagiging AKTIBISTA ng may akda? Ikaw narin ang nagsabi na: " Dahil na-establish na natin na tibak yung sumulat, bumalik tayo ngayon sa tanong ko sa unahan, bakit ganito yung sinulat nya? Ang lumalabas kasi, naging commodity, at niri-reinforce ng sulatin na ito yung komodipikasyon ng kababaihan. Masyadong hypothetical kase ang pag sabi ng kumento mo kuya. Dahil ba aktibista siya ay kinekwestyon mo ang mga sinulat niya? Hinde ba pwedeng pang-sariling gawa niya lang ito kaya niya ginawa? Maraming kadahilanan ang pwedeng magpa-basag sa sinabi mo.

    Eto, Babalik ulit tayo sa sinabi mo kuya huh:"Oo. May problema. Binanggit ko na, at babanggitin ko ulit, baka sakaling hindi mo naintindihan Kiddo. Mariing nilalabanan ng kilusan ang komodipikasyon ng kababaihan. Bakit? Kasi, yung pyudal-patriyarkal na pagtingin sa kababaihan, ay isang napakalaki at napakatingkad na porma ng eksploytasyon. Balikan natin ang aral ni Lenin"

    Una. Ano ang mga ebidensya na nilalabanan ng kilusan ang komodipikasyon ng kababaihan? Nakulangan ka pa siguro ng e.d. bago ka umalis. Ang lakas pang mangalap ng mga parirala sa mga iba't ibang may akda. Sa totoo lang kapatid, Iyang mga yan (Organisasyong Pulitikal-Aktibista) ay pinapaglaban ang mala pyudal,patriyarkal,imperialismo,burukrata kapitalismo na sistema na bulok na sistema ay patuloy paring nang-gagahasa sa ating lipunan. BAKET? Pitong-pu't Lima ng populasyon ng pilipinas ay nasa uri ng magsasaka, Mas marami tayong pilipino sa kanayunan/lalawigan kaysa sa lungsod. Dahil marami din ang porsyento nito, Halos kalahati nito ay mga babae. Sa pagsasaka, Dahil umiiral ang pyudal na sistema sa ating lalawigan, 'Di maikakaila na maraming panginoong may lupa ang umaabuso sa mga ito. Dahil nga sila (panginoong may lupa) ang nagpapatakbo sa kanilang mga hasyenda, Sila rin ang tumatakbo pati din sa pulitika. Maraming mga pribadong hukbo ang mga ito. Dahil sa pangigipit, Kadalasan napapasangkot ang usapin ng kababaihan kung 1)hindi nila naabot ang kota ng kanilang mga pananim, 2) Bumuo sila o sumanib sa anumang anyo ng pag u-unyon at pang huli, 3) Nais nilang makatas sa kamay ng mga hasyendero na walang abiso kaya't nahuhuli ito ng mga sundalo. Sa Patriyarkal naman, Alam mo naman diba kuya na sinakop tayo ng mga iba't ibang lahi? Diba? Ngunit, kahit noon paman bago pa tayo sakupin ng mga Espanyol, Ay matagal nang patriyarkal ang pag takbo ng buhay ng ating mga sinaunang ninuno. Na kung saan ay lalake ang pwede lamang maging datu o raha naman sa ibang lupain. Pero sa paglipas nita at ng mga sumakop, Mas tumindi ang pag trato ng maliit sa mga kababaihan. Ang mga nasa kalunsuran naman na maralita ay napapasok bilang sa mangagawa. Kahit bata man o babae, Walang pinipili ang pag papahirap ng kasalukyang sistema. Kaya naman na nilalabanan ang mga iyon sa pamamagitan ng rebolusyon ay para mabuwag ang sistemang nagpapahirap.

    ReplyDelete
  5. Ikalawang Parte

    Marami pa sana ako sayong pwedeng masabi na kadahilanan, ngunit sa galit na umiiral sa kasalukuyang sistema, ay masyadong kakaunti para ipagkasya sa isang pahina ng blog. Sa akin lamang, Kahit aktibista man ang may akda nito o hindi, ay sana wag maging tulay para maging hukom ang pag sulat nito ng kanyang sining personal man o hinde sa kanyang pagka-aktibista. Malay natin na pwede palang sumuko ang isang katulad niya at binaliktad niya ito bitbit ang pagiging aktibista?

    Who knows? Kiddo? Nakakainis lang talaga ang pag atake mo sa isang likhang sining na pwedeng maging iba't iba ang anyo, Ay isasama mo ang pagiging aktibista ng may akda nito. Tanginang yan! Ang sining ay sining! Haluan man mo man yan ng aglipunan ay sining parin yan. Putcha Gumising ka pwede ba? Wala akong balak alamin kung sino ka man. Dahil ang isang mala-indibiduwal na katulad mo ay walang kapantay sa mga masa na may parehas ang pinaninidigan. Umanib ka na lang nang sagayon't sin lakas ng sigaw ng bayan ang yong pagkapilipino! Nakakapanghinayang ang mga dis-edukadong katulad mo ay nagtutulak pababa sa masang pilipino. Mahiya ka nga! Di pa ako purong pilipino pero nag lalaban at naglilingkod pa ako sa pangalawang bayan ko?! Pero nabilib mo ako sa yong pag-"tataglish" na may "proclamation ng superiority" pang nalalaman, Nawa'y sa tunay mong hangarin ay sana makapag-pakain sa maraming nagugutom sa iyong bansa. Tuloyan mo sanang yakapin ang dunong at galing ng edukasyon dito sa pilipinas na ipinamana ng mga kano at iba pang sumakop.
    Pero wag mo sanang kalimutan, Ang pagsisilbi sa iyong bayan, Anong pag-ibig ang hihigit kaya? Sa pagkadalisay't Pagkadakila, Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa, Anong pag-ibig pa, wala na nga wala.

    Ika nga ng Ikatlong Supremo ng KKK: ANYARE?! (Sa modernong pananalita)


    Sana maintindihan mo nalang kung ano ang istorya nito at hiwaga, Sa mga pasikot-sikot nitong at nakakalitong talinhaga, Tumagos ang aking salita sa iyong tenga, Niratrat nanaman ako sa pagdagos ng bala sa 'yong bunganga.

    ReplyDelete
  6. Huy. Alam mo ba na ang komodipikasyon ng kababaihan ay isang parte at manifestation ng exploitation. Na nilalabanan ng kilusan? Ikaw ang dapat tanungin ko ng "Anyare" e. Alam mo naman pala ang konsepto ng pag-rerebolusyon. Baka ikaw ang nakulangan sa aral? Hindi ba't doble ang exploitation sa kababaihan? Una bilang mamamayan ng lipunan (syempre, nahuhulog ito sa uring manggagawa, magsasaka, petiburgis), pangalawa bilang babaeng sinisibasib ng pyudal-patriyarkal na kultura ng lipunan parin.

    Ayos sana yung mga banatan mo e. Kaso medyo sumablay. Alam mo naman pala na malalim yung pagkaka-ugat ng patriyarkal na sistema sa atin e. So anong solusyon mo? Tanggapin nalang? Wow. Bigat.

    Tandaan nalang kasi, ang sining ay walang silbi. kung hindi naman ipaglilingkod sa masa. Art for art's sake? Burgis na burgis a. Tindi.

    Last na to. Baka masyado na kayo mag-enjoy at mag-orgasm sa atensyon e.

    ReplyDelete
  7. Ah ganun ba?


    Ano bang alam mo tungkol sa mga kilusan at rebolusyon? Nakasama ka na ba sa mga rally? Anong mga tipo ng libro ang iyong nabasa? Parang may mali ka ata. Eh di anong ideyolohiya ang gusto mong i-punto dito?

    Anong solusyon ko? HAHAHAHAHA huwaw. Wala po akong natatandaan na sinabi na hayaan na lang ang mga babae. Ang soulusyon ko ay i-rebolusyon ang kasalukuyang sistema na nagpapahirap hindi lang sa mgaa kababaihan pero sa ating lahat. Hindi madali ang ganitong pamamaraan ngunit wala nang hihigit pang alternatibo sa gawaing na iyon. At isa pa! Wala akong sinabi na "Art for art's sake?" May pinupunto ito, Ang sa akin lang ay, Bakit mo dinawit ang mga aktibista? Diba? Amining hinde? Nakakainsulto lang talaga ang unang pinaskil mo dito. Ikaw narin ang unang nagsabi "Tama ba ako na ang sumulat ng entry na ito ay isang tao na nagmula sa isang organisadong kilusang mapagpalaya?"
    Kung sa gayon man, Ang mismong terminong sinabi mo na mapagpalaya ay sa tingin mo ba na hindi kasama ang mga babae doon? Hay nako Tol. Sabay ang pag kopya mo ng likha nito sa post para mabanggit na ang kanyang likha ay nag tutulak papang tingin lang sa mga babae.

    Katok Katok sa utak, Guni-guni'y Sandamakmak, Masyadong malawig nang panahon na ang konsepto ng patriyarkal ay umiiral sa lipunan hindi lamang sa PILIPINAS!!! Mag-simula pa sa pagka-sibol ng sibilisasyon nandyaan na iyan. Anong ba kaseng pinupunto mo? Ang pagkahilig mo sa babae? Eh di sige, GO!

    At isa pa, Ayoko ang tono ng panunulat mo! Masyadong hambog at mahangin! Tinalo mo pa si Yolanda! Baket ikaw? May konsepto ka ba ng pag rebolusyon?
    Ni makapag kopya ka nga ng mga linya ng mga nabasa mo akala ko ba'y may konsepto ka na nun? Sa katotohanan, Kiddo, Hindi lang ang libro ang makakapagaangat ng buhay ng isang tao. Tanggapin mo kung sino ka.
    Kung may problema ka sa pagka-anti-peminismo ng author ay sa Women's Desk ka magsulat ng kahaba haba! Putcha. Ni di mo nga ata alam ang mga salitang Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo, atbp, para mabura ang mapusyaw mong pananaw sa LIPUNAN NA TINATAYUAN MO!

    Payo ka lang ay:
    Sa susunod na magkumento ka o kritisismo pwede make ayos ayos? It's so halo-halo kase eh, Diba sainyo tinuro na wag mag-taglish? It's so informal kase eh. Just shut up na lang. Lalo Di mo pa kerry mag kompose-kompose ng isang language. Para kase na you make hiya-hiya ang pagka filipino mo. o.k? Tapos isa pa: Wag kang tatalaktalak kung wala ka naman ginagawa para sa bayan mo. Wala kang karapatan para pakinggan ng sambayanan! Ano bang silbi ng pag-babasa/edukasyon mo kung wala ka naman ginagawa para sa bayan? Haaaay. nako. Salot sa lipunan! Walang paki alam sa bayan, -Patapon sa lipunan!

    ReplyDelete
  8. It doesn't really matter whether the writer is an activist or not. And although it's true that we are free to make use of art for self-expression in the same way we are all entitled to our own opinions, this piece reflects what the writer thinks of women. Sad as it is, feminism truly is underrated in this country.

    On an unrelated note, criticism shatters even the most liberated souls, or as they claim to be, doesn't it?

    AAASSAAAAVVEENNYYAAAAHHHHH .. VAVAAARIICCHHHHIIII VVAAAVVVAAAA !!! :3

    ReplyDelete