-x-
Si Giovanni di Pietro di Bernardone, o mas kilala sa tawag na St. Francis of Assisi, ay una kong nakilala nuong pinag-aral ako ng mga magulang ko sa isang Pransiskanong paaralan sa Mandaluyong.
Nuong una, siyempre, hindi ko pa lubusang naiintindihan kung bakit siya ang patron ng eskwelahan namin, ang alam ko lang, siya yung panot na rebultong nakikipagusap sa mga usa at aso, sa isang sulok ng aming school grounds. Madilim ang lugar na iyon, walang spotlight o kung ano mang klaseng ilaw na pangdekorasyon, may kaunting damo at napapaligiran ng railings na bakal. Ang suot niya’y brown na abito, yung tipikal sa mga pareng Pransiskano, bahagyang naka-ngiti ang rebulto, tila masayang kinakausap ang mga hayop na nakapaligid sa kanya.
May itinuro pa ngang isang kanta sa amin na sumasalamin sa pagmamahal niya sa mga hayop, ang title, “brother sun, sister moon.” Sa kantang ito pinapaliwanag kung paano niya kausapin ang iba’t ibang elemento ng kalikasan. Nuong tumanda nalang ako at saka ko inungkat na baka may posibilidad na LSD user si Kiko, tulad ng pag ungkat ko sa tunay na katauhan ni Shaggy sa cartoons na Scooby-doo, na ayon sa kwento ay laging sabog sa marijuana kaya kinakausap yung alaga niyang aso.
Ayon kasi sa kwento, may taglay daw na kapangyarihan si Kiko na kausapin ang iba’t ibang klase ng hayop at maging mga puno. Kaya niya daw diskusyunan ng Doctrina Christiana ang iba’t ibang elemento ng kalikasan.

Hindi ko na inalam kung naiintindihan siya ng mga hayop, basta ang naisip ko, eh kung ngayon kaya, may makita kang taong kinakausap yung alaga niyang aso sa kalsada? O di kaya may nakita kang mamang kinakausap yung mga halaman sa island sa EDSA? Sasabihin mo din kayang may taglay siyang kapangyarihang makipag-usap sa mga halaman? O agarang ididismis ang ideya, at sasabihing, “ang lakas ng tama nun oh!”
Ipinamigay ni Kiko lahat ng kanyang ari-arian at sumama sa isang pilgrimage, nagturo sa lansangan, namalimos kasama ng mga pulubi sa St. Peter’s Basilica, tiniis ang sakripisyo’t kahirapan para ipalaganp ang kanyang mga prinsipyo’t pinaniniwalaan.
Naalala ko pa nuong nagkaroon ng debate tungkol sa quote na ilalagay sa aming intramurals shirt, ang orihinal kasing plano, ang kanyang hindi masyadong tanyag na quote ang ilalagay sa likod ng t-shirt, “Ut sint minores,” na ang ibig sabihin ay “Be the least of all.”
Sabi ng ibang faculty members, di naman daw iyon makatarungan para sa aming mga mag-aaral, ‘pagkat baka hindi na makipagkumpitensiya dahil sa nasabing quote. Eh intramurals pa naman, siyempre, tagisan iyon ng lakas tapos walang makikipagkumpitensya? parang ang boring. Hindi normal, baka sa halip na kumpitensya, pababaan ng premyo ang mangyare. Kunyari nanalo yung isang seksyon, tatanggihan niya ito at sasabihing, "wag na, sige, sa inyo na ang premyo, tutal naman, be the least of all ang tema natin, kaya sige na, sa inyo na." Tapos sasgot yung natalong section na, "hindi, ok lang na talo kami, yan naman ang payo ni St. Francis, dapat tayong magpakumbaba at tanggapin ang pagkatalo." Ang sagwa, at saka parang ang drama.
Dapat daw ay Bonakid, batang may laban.
Siguro, dahil mas matatanda sila sa amin, alam na nilang hindi ganuon sa tunay na buhay, alam nilang dog eat dog system ang kahaharapin namin paglabas namin sa apat na sulok ng Pransiskanong paaralan na ito. Alam nila na ang pakikipagkumpitensya ay isang mahalagang salik para mabuhay, at kung misan, kailangan mong agwan ng tinapay ang kapatid mo, para lang mabuhay. Survial.

Nuong nabuhay si Kiko, monarkiya at pyudalismo ang dominanteng pampulitikal at pang-ekonomyang istrukturang umiiral sa Italya at sa buong Europa, marahil ‘di niya natanaw na magpupumilit ang mga mangangalakal (merchants) nuong panahon niya na ibagsak ang sistemang monarkiya sa Europa, upang sila naman ang mag-hari.
Hindi napalitan ang quote sa intrams shirt namin, pero marami akong natutunan.
Kamakailan lang ay nag-organisa kami ng isang soup kitchen para sa mga Lumad ng Mindanao; Bagobo, Talaingod, at Manobo. Nagmartsa sila mula Mindanao hanggang Maynila para pakiusapan ang gobyerno na palayasin ang mga militar na naka-kampo sa kanilang mga komunidad at eskwelahan. Kwento pa nila, sinunog ng mga militar ang 300 alternative schools na itinayo nila.
Ang mga Lumad tulad nila Datu Jorito Goaynon at Datu Sedro, ay ang mga pinaka “maliliit” na tao sa ating lipunan ngayon, dahil bukod pa sa atrasadong pamumuhay sa mga kabundukan, hindi rin naman talaga sila naaabot ng serbisyong panlipunan ng gobyerno, bagkus ay nakakaranas pa ng pagmamalupit mula sa mga militar.
Sila, ang tinutukoy ni Kiko na “maliliit”, silang mga itinataboy sa lupang kinagisnan, sa ngalan ng tubo at pulitika.
Kaya naisip ko, tama ang aking mga guro, tama lang na makipagkumpitensya, kasi tignan mo, kung maliit ka, bukod sa hindi ka tutulungan ng gobyerno, susunugin pa ang paaralan mo.
Kaya naisip ko, tama ang aking mga guro, tama lang na makipagkumpitensya, kasi tignan mo, kung maliit ka, bukod sa hindi ka tutulungan ng gobyerno, susunugin pa ang paaralan mo.
Kaya dapat, hindi pakinggan si Kiko, si Kiko na isang mayamang Italyanong nagpasyang iwan ang marangyang buhay upang ipalaganap ang kanyang prinsipyo’t paniniwala. Si Kiko na ginalis dahil sa pakikisalamuha sa mga Pulubi sa Italya, si Kiko na kahit LSD user ay nagpakita ng tunay na pagmamahal sa kalikasan. Si Kiko, ay hindi dapat tularan.
Kaya sa mga guro ko nuong high-school, yung mga nakaka-aninag na hindi na lapat sa lupa ang mga turo ni Kiko, dahil tayo’y nasa panahon na ng Imperyalismo, kung saan pahigpit ng pahigpit ang kumpitensya sa pagitan ng mga magkakapatid, paabnormal ng abnormal ang relasyon sa produksyon, palala ng palala ang mga digmaan para sa hatian ng kita, at paigting ng paigting ang pagsasamantala, panahon na sigurong kalimutan ang mga aral ni Kiko, pero sana, magpaalam tayo sa kanya, at least sabihin natin sa kanya na ang solusyon ay kumpitensya, kailangang manalo, kailangang maging bida, kailangang mag "strive for the best," dahil ang pagiging “ut sint minores” ay laos na.