Sunday, June 16, 2013

I swear I'm not high, I just hate your fucking government



Common sense is not so common.
 -Voltaire 


Ang mga pangalang Claro Mayo recto, Lorenzo Tanada, Jose Diokno at Benigno Aquino Jr. ay apat sa mga pangalang hinahanap ko sa Google paminsan-minsan kapag naghahanap ako ng balbal na may katuturan.

Ngayon, ewan ko ba, ang huling magandang ala-ala ko na lang sa mga senador ay yung Stapler act na pinagbidahan ni Lito Lapid, este, I-nauthor pala, na nagbabawal sa mga sari-sari-store na gumamit ng stapler para sa mga paninda nilang chichirya at kung ano-ano pa. Pinag-isipan talaga ang batas na ito dahil oo nga naman, baka makain ng mga bata ang stapler sa chichirya, magchoke tapos mamatay. May sense.

So, mula sa Republic Act No. 1425, na mas kilala sa Rizal Law ni Claro Mayo Recto na naglalayong mag promote ng nasyunalismo sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagrerequire sa lahat ng unibersidad na pag aralan ang buhay ni jose Rizal at ang dalawang mayor na libro niya, ang Noli at El fili, eto na tayo ngayon, sa panahon ng Stapler act ni Lito Lapid.

Wala akong problema sa Stapler act, sa katunayan, maganda nga't naisip nila yun, pero tingin ko lang, yung mga batas na ganito kalalim ay di na dapat pinag-uusapan sa loob ng Senado dahil masyadong malalim, hindi siya kayang arukin ng mga baranggay officials, baranggay tanod, baranggay adik at baranggay aso.

Ganito na ang iniunlad ng ating Senado, mula sa talas na nag-ugat sa matatag at ma-alab na nasyunalismo, hanggang sa usapang kanto, na may halong alak.

Parang

Tambay1: Tangina pre, yung anak ko nakalunok ng stapler, gago kasi yang si Aling Auring eh, yung chichiryang binebenta, may stapler.

Tambay 2: Baka naman yun yung freebie nung chichirya, stapler. Para yung mga files nung anak mo sa opisina hindi nakakalat.

Tambay1: Oo nga noh. Gago!

Tambay 2: Eh ano naman ang gusto mong gamitin ni Aling Auring, tam taks?


Hindi ko talaga kung anong pumasok sa kukote ng mga Senador ng 14th congress at biglang ang init ng pwet nilang i-persecute ang mga nagsasabing mukha silang tanga, tae, at kung ano-ano pa gamit ang internet.

Una, mukha naman talaga silang tae, mabaho at kadiring tae, syempre hindi literal dahil ang mga barong nila ay Pinya at Chanel o di kaya'y Versace naman kung naka-suit sila.

Medyo sensitive yata ang mga Senador pag dating sa name calling.

Kung ano-ano kasi ang bansag sa kanila sa internet, tulad ng bobo, plagiarist, tanga, kupal, imbecile, dickhead, asshole at kung ano-ano pang masasakit na salita.

Pero takang taka naman ako sa dahil sa mga isyung kinasasangkutan ng mas maraming Pilipino, tulad ng P125 wage increase na hinihingi ng mga manggagawa, at GARB (Genuine Agrarian Reform Bill) na I-nauthor ni Ka Crispin Beltran na lubos na mas kailangan ng mga tao sa Pilipinas hindi sila sensitive, parang wala silang pakialam.

Balik tayo isyu. 

Sa pagkaka alala ko, nagsimula ito nung pinaratangan si Tito Sotto na nag-plagiarize ng isang speech ni Robert F. Kennedy, isang dating Senador ng Estados Unidos. 

Sabi nila, yung speech daw ni Sotto eh word per word tagalog version ng "Day of Affirmation" speech ni Kennedy na idineliver niya sa Aprika nung June 6, 1996. 

Sabi ni Sotto, ipinadala lang daw sa kanya ang speech ng isang kaibigan at hindi sinabi nito kung saan ito nanggaling.
Yung mga nagdedebate sa Luneta nagrereview bago sumalang sa diskurso, tapos yung senador natin hindi alam kung saan galing yung sinabi niya? Solid. 

Ayos lang sana kung inamain nya nalang na kinopya nya, swabe lang yon kase sa akin naman, esenya ang mahalaga.
Ang ganda nung speech ni Kennedy, tungkol sa pagtindig sa kung ano ang tama, at pag-wasak sa inhustisya sa pamamagitan ng paglaban sa tiwali. 

Problema kasi, nagkamali na, huli na, ayaw pa umamin, kala nya siguro kaya nyang tangahin ang mga Pilipino.

Ang ginawa ng mga bloggers at critic ng gobyerno sa internet, nag post.

Nag post lang naman. Tulad ng ganito:






Kayo na ang humatol kung nakakatawa lang talaga ang litrato sa itaas o kung totoo ngang tinagalize niya yung speech ni Kennedy.


Tang ina naman! Kahit siguro high-school student sasabihing plagiarized yung speech, tapos poor transalation pa, walls of oppression, dingding ng opresyon? Kung ginawa niya sigurong pader ng pang-aapi hindi siya nahuli.

Nagalit si Sotto. nababastos daw sya at ang pangalan niya dahil sa mga post na tulad ng nasa itaas.

"Cyber bullying" daw ang ginagawa sa kanya ng mga tao. Ayos din naman talaga tong si Sotto, dahil nahuli siyang nangopya ng speech, gagawa siyang batas na magbabawal na bumatikos sa mga pulitiko at iba pang ka-uri niya gamit ang internet.

Ang ganda ng logic, kung hindi mo kayang tanggapin ang sinasabi sayo ng mga mamamayan na silang nagpapasweldo sa iyo, gumawa ka ng batas na magbabawal sa kanilang magsalita ng masama laban sa iyo.

Ang mga prinsipyadong tao, umaamin kapag nagkakamali, ang mga sinusubukan lang maging prinsipyado, mali na, gusto tama pa rin sila, hindi kayang lunukin ang pride.

Sakto dito yung saying na sinabi ni Charles Bukowski,

"The problem with the world is that the intelligent people are full of doubts while the stupid ones are full of confidence."

Nakalimutan na yata ni Sotto na Senador siya, at ang trabaho niya ay gumawa ng batas na makakabuti sa mamamayan, hindi protektahan ang sarili niyang interes at ng mga ka-uri niya.

Wag na tayong maglokohan, yun naman talaga ang gamit ng Senado para sa kanila, parang fortress na magpoprotekta sa mga interes nila, kaya kapag naapektuhan ang kanilang mga negosyo tulad ng bus lines, real estate, film studios at kung anu-anong kumpanya't korporasyon, madali nilang mamamaniobra ang batas para pumabor sa kanila.
Hindi ka ba nagtataka kung bakit puro galing sa mga mayayamang pamilya ang tumatakbo at nananalong Senador sa Pilipinas? Yun ay dahil kailangan nilang panatiliin ang status quo sa bansa, dahil kung  hindi baback-upan ng legalidad ang ginagawa nilang pagnanakaw at inhustisya sa mamamayan, guguho ang emperyo nila. Hindi magiging legal ang pagnanakaw nila.

Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi maipasa-pasa ang 125 dagdag sahod na matagal ng hinihingi ng mga manggagwa? 

Hindi ka ba nagtataka kung bakit walang kasong pinagtatagumpayan ang mga manggagawa laban sa kanilang mga kumpanya sa Korte Suprema?

Mag isip ka, dahil yang ulo mo, hindi lang dapat yan patubuan ng buhok.